Monday, June 17, 2013

para sa tatay ko

ang gusto ko sana, isulat ang kwento mo. para maipagmalaki ko sa mundo kung gaano ka kagaling. at kung gaano ka kahusay. gusto kong isipin na isa ako sa mga pinalad na makilala ka ng lubos. at masaksihan ng halos buo ang lahat ng laban na sinabak mo. gusto kong ilarawan ang lahat ng sugat na tiniis mo ang sakit. kung paanong ang iba dito ay naghilom na, at ang ilan ay mananatiling sariwa. gusto kong ikuwento na sa maraming yugto ng buhay mo, sa mga nakasubaybay, marami ang humanga, may ilan ding naghusga. may mga natuwa na makita kang matagumpay, at ang ilan ay naghihintay pa ng pagbaliktad ng tadhana, kung paano ka, sa gitna ng lahat ng ito, nanatiling hindi natitinag. alam ko namang may mga panahong nakaramdam ka ng panghihina, pero madalas tinatalo mo pati ang sarili mo, pinangingibabawan ang lahat ng takot at itinutuloy ang laban ng walang pagdadalawang isip. handa ulit sa lahat ng haharaping hirap at pasakit. handa ulit na hangaan o husgahan. handa ulit sa lahat, anuman ang naghihintay.

ang gusto ko sana, ikwento ang buhay na isinulat mo. gamit ang sangkaterbang pawis at di birong tagas  dugo sa gitna ng kumakalam na tiyan, walang yaman na ipagmamalaki, tangan lang ang talino at tapang.

pero may takot ako. baka hindi nila maintindihan. pano ba gagawing kuwento ang buhay na buhay din ang puhunan? hindi sasapat ang mga salitang natutunan ko. hindi papantay ang lahat ng natutunan sa eskwelahan sa buhay mong karanasan.

siguro, sa ngayon, sapat munang malaman mo, sa aming lahat na nagmamahal sayo at sa aming lahat na minamahal mo, hindi masasayang lahat ng hirap, hindi matatapon ang pawis at dugong ibinigay mo sa lahat mong laban, hindi matatapos ang kuwento. patuloy ka naming sasaksaihan, susubaybayan at aalalayan. patuloy ka naming ipagmamalaki. at sa paraang kaya namin, hindi man katumbas ng kaya mo, patuloy ka naming ipaglalaban.

when love was

i would like to go back to a time when love did not need words to be understood; when its meaning was universal; when it required no conditions; when it was oblivious to cold nights and love songs; when it was stranger to pain and detachment; when it sought not joy nor death; when it basked in rain and sun with equal zest; when it did not fear the dawn nor the twilight; when it came in dreams; when it was sure of itself; when it stood proud and brave;

i would like to go back to a time when love was just love, nothing else...

Monday, June 10, 2013

our moment

this is not the right moment
we both know that
our time belongs to a life
after this, a morrow yet promised

this is but a time borrowed
from the days that will be ours
from an eternity we are to share
from the next life time

it will soon pass, time will again
run against us, there might be sadness
after, there will be tears
there will be sorrow
when the fleeting joy ends...

right or not, this is ours
a moment we can claim
a brief sneak into the life
that we will make perfect, together
we shall spend endless in love