Wednesday, March 9, 2011

biro...

biro...

madalas kong sabihing mapagbiro ang buhay
kung minsan, nakakasugat
madalas, humupa na ang tawanan
bago ko maintindihan

akala ko, natuto na ako
nauuna pa akong tumawa, habang
nabibingi
sa alingawngaw ng hagupit
na lumalatay
sa tiwala, sa pag-asa

dumating kang may bitbit
istoryang hindi ko pa nababasa
naisip ko na nga,
baka panandaliang biro na naman ito
pero
ginusto kong makinig
siguro
gusto ko ulit matawa
siguro, pikit mata
gusto ko ulit maniwala

paalis ka na ba?
tapos na ba ang kwento mo?
pasensiya ka na
mali ako
akala ko, handa ako
kung bago ka umalis, makikita mong
umiiyak ako
huwag kang magtataka
siguro, ikaw ang kwentong
ayaw kong matapos
siguro
ikaw ang biro
na gusto kong makasama
kahit pa masakit
kahit pa...

1 comment:

  1. I always say life is but a big joke
    Sometimes it wounds
    Often, laughters have waned
    Long before I understood

    And I thought I have learned,
    Learned to laugh with them
    Though deaf
    Of echoes that left
    Scars on trust, hope..

    You came with your story
    A joke I never heard
    I knew it would be
    Lasting a few
    Precious moments
    But
    Maybe I wanted to
    Listen, maybe I wanted to laugh
    Again
    Eyes closed, I listened…

    Are you leaving now?
    Has the story ended?
    I was wrong,
    I really thought I knew
    Forgive the tears you’ll see
    Before you go
    Perhaps yours is the story
    I don’t want to end
    Perhaps
    You are the jest I want
    To be with, even if it hurts
    Even when…

    ReplyDelete